Questions


October 2022 1 1 Report
1. Anu-anong katangian ang nalilinang sa tao dahil sa kanyang pakikiisa at pakikibahagi sa kapwa?

A. Sipag at tiyaga

B. Talino at Pananagutan

C. Talino at Kakayahan

D. Tungkulin at kasipagan


2. Anong prinsipyo ng pakikipagkapwa ang itinuturo sa parabola ng Mabuting Samaritano?

A. May mga pagkakataon na kailangan nating unahin ang ating sarili bago ang iba.

B. Ang pagtulong sa kapwa ay hinihingi lang sa mga taong may kakayahang tumulong.

C. Ang pagtugon sa pangangailangan ng kapwa ang daan upang maging ganap ang

ating pagkatao.

D. Tugunan ang sariling pangangailangan dahil hindi lahat ng tao ay may hangaring

makatulong


3. Ano ang konsepto ng Kapwa?

A. pagkakaisa ng sarili at ng ibang tao

B. Katuwang sa pag-unlad ng ating pagkatao

C. sarili na nakalaan para sa iba

D. Lahat ng nabanggit



4. Ano ang marapat na pakikitungo sa kapwa?

A. Nakabatay sa estado sa lipunan

B. Nakasalalay sa kung ano ang pakinabang na makukuha sa ugnayan

C. Nakabatay sa kaparehong pakikitungo na tinatanggap mula sa kapwa

D. Pagtingin nang may paggalang at pagmamahal sa lahat ng taong nakakasalamuha


5. Ang pakikipagkapwa ay kalakasan ng mga Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay sa pahayag?

A. Pinakiusap ni Josie sa kaibigan na baguhin ang mga sagot sa test sa kanyang pagwawasto. Ito ay kanyang pinagbigyan.

B. Hindi natanggihan ni Rene ang pabor na hinihingi ng kanyang nanay na wag isumbong sa ama ang kapatid na natuklasang nagdodroga.

C. Pinalampas ni Romy na lider ng pangkat, ang kanyang matalik na kaibigan na hindi nakilahok sa paggawa sa proyekto. Binigyan nya ng pantay na marka sa iba.

D. Tinulungan ni Sonia ang kanyang kaklase na binubully ng iba pang kabataan sa kanilang paaralan, sa pamamagitan ng pagssuplong sa guidance office at magulang


6. Anong prinsipyo ng pakikipagkapwa ang itinuturo sa Parabula ng Mabuting Samaritano?

A. May mga pagkakataon na kailangan nating unahin ang ating sarili bago ang iba.

B. Ang pagtulong sa kapwa ay hinihingi lang sa mga taong may kakayahang tumulong.

C. Tugunan ang sariling pangangailangan dahil hindi lahat ng tao ay may hangaring makatulong

D. Ang pagtugon sa pangangailangan ng kapwa ang daan upang maging ganap ang ating pagkatao.


7. Tumatanaw ng utang na loob si Zeny sa kanyang kaibigang si Rose. Hiniling ni Rose na ikampanya siya ni Zeny para sa isang posisyon sa SSG. Bagamat hindi akma angkaalaman ni Rose sa hinihinging posisyon, ito ay kanyang pinaunlakan. Ano ang maaaring idulot ng pasya ni Zeny?

A. Magiging maayos ang pagganap ni Rose sa kanyang tungkulin.

B. Malaki ang posibilidad na maging matagumpay ang pangkat dahil kay Rose.

C. Dahil sila ay magkaibigan, inaasahan ni Rose na aalalayan siya ni Zeny tulad ng pagbibigay tulong sa pagganap ng tungkulin niya sa SSG.

D. Dahil nagdesisyon si Zeny ayon sa kanilang ugnayan, hindi magagampanan ng maayos ni Rose ang kanyang tungkulin dahil hindi akma sa posisyon ang kanyang kaalaman.


8. Sa paanong paraan makikita ang impluwensya na nagpapahalaga sa aspetong intelektwal?

A. igiit ang sariling kagustuhan sa lahat ng pagkakataon

B. unawain ang ibang tao at palaging sundin ang gusto nila

C. magkaroon ng tiwala sa sarili, timabangin ang bagay bagay bago magpasya

D. hayaan ang ibang tao ang magdikta kung ano ang dapat maramdaman at gawin


9. Ang impluwensyang pulitikal ay makikita sa anong sitwasyon?

A. Pagsunod sa sinasabi ng nakararami.

B. Pagkilala sa lahat ng sinasabi ng pangulo.

C. Pagsunod sa batas na nagtataguyod ng kabutihang panlahat.

D. Pagpapahalaga sa lahat ipinanunukalang batas ng mga nasa posisyon.



10. Isa sa mga prinsipyo ng pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan ay ang pagtanggap sa kapwa. Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang upang maipamuhay ito?

A. Maging maayos ang pakikitungo sa mga taong katulad ng iyong katangian.

B. Tanggapin ang kapwa sa kanyang kabuuan, kasama ang kaniyang kalakasan at kahinaan.

C. Hindi natin tungkulin ang alalahanin ang ating kapwa kung kaya hayaan lang sila.

D. Maging magiliw ang pakikipag-usap sa mga taong nagpapakita sa iyo ng kabutihan.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.