1. Anong ugaling Pilipino na naging bahagi na ng ating kultura ang sa tingin mo ay hindi kaaya-aya kaya sana ay dapat hindi ugaliin nating mga Pilipino? Bakit?

2. Totoo nga bang ang kahirapan sa buhay ay hindi hadlang sa pagtatapos ng pag-aaral ng ating mga kabataan gayong marami sa kanila ay hirap tustusan kahit ang pangkain man lang sa araw-araw?

3. Ano ang pinakamalaki mong kabiguan sa buhay at paano mo naibangon ang iyong sarili mula sa malimuot na sandaling iyan?

4. Ano sa tingin mo ang pinakamalaking problema na kinakaharap ng mga kabataang tulad mo ngayon? Bakit?

5. Sa tingin mo, pinagbubuklod ba ng social media ang mga tao o ito ang naging sanhi para sila ay magkawatak-watak? Patunayan ang sagot.

6. Kung gigising ka bukas at sa paggising mo ay magkakaroon ka ng bago at kakaibang kakayahan, ano iyan at bakit?

7. Para sa iyo, ano ba ang tunay na kahulugan ng tagumpay? Bakit?

8. Naniniwala ka ba sa tadhana? Bakit?

9. Kung gagawa ka ng isang imbensiyong makatutulong nang malaki sa iyong kapwa, ano iyan at bakit?

10. Para sa mga taong maiikli ang pasensya, anong payo ang maibibigay mo nang sa gayon ay hahabaan pa nila lalo ang kanilang pasensiya? Bakit?

11. Para sa iyo, ano ba ang tunay na kahulugan ng isang edukado? Ipaliwanag.

12. Paano ba nakaaapekto ang lipunan sa paghubog ng iyong pagkatao?

13. Dapat bang itigil ang pagbibigay ng mga takdang-aralin sa mga mag-aaral? Bakit?

14. Kailangan ba talagang nakapagplano muna bago gumawa ng kahit ano? Bakit?

15. Kung ang iyong buhay ay isang pelikula, ano ang ipapamagat mo dito at bakit?

16. Talaga bang masama ang impluwensiyang ibinibigay ngayon ng telebisyon lalo na sa mga bata? Bakit?

17. Paano sa tingin mo makakabangon ang ating ekonomiya mula sa masasamang epekto ng COVID 19 sa bansa?

18. Ang totoong yaman ay hindi nasusukat sa salapi. Ano ang iyong pananaw ukol diyan?

19. Naniniwala ka bang ang pagbabago ay dapat magsimula mismo sa ating mga sarili? Patunayan

. 20. Ipaliwanag mo ang malalim na pahiwatig ng kasabihang 'Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.'

21. Sabi ng iba, ang pinakamalaking pagsubok daw natin sa buhay ay ang kilalanin ang ating sarili. Naniniwala ka ba diyan? Bakit?

22. Anong katangian ng isang tao ang mas kinakailangan natin sa panahon ngayon at bakit?

23. Posible bang makamit natin ang pandaigdigang kapayapaan? Bakit?

24. May mga nagsasabing walang saysay ang pagsusuot ng uniporme ng mga mag-aaral sa paaralan. Ano ang pananaw mo ukol sa isyung iyan?

25. Bakit kailangang bumoto ng lahat ng mga mamamayan sa isang bansa sa panahon ng halalan?

26. Ano ang kaibahan ng katalinuhan (intelligence) at karunungan (wisdom)?

27. Nakakasama ba sa mga bata ang paglalaro ng video games? Ipaliwanag ang sagot.

28. Bakit hindi natin dapat sukuan ang ating mga pangarap sa buhay?

29. Anong salita sa wikang Filipino ang pinakagusto mo at bakit?

30. Ano ang isang bagay na para sa iyo ay sumisimbolo sa tunay na kahulugan ng buhay? Bakit?​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.