1. Ano ang tawag sa ginawang pagtulong ni Efren Peñaflorida sa mga kabataan?
2. Anong katangian ang kanyang ipinamalas para sa mga kabataan? Paano niya ito ginamit sa makabuluhang paraan?
3. Anong karanasan ang nakaimpluwansya sa kanya na nag-udyok upang tumulong sa kanyang kapwa?
Answers & Comments
Verified answer
1. Ang ginawang pagtulong ni Efren Peñaflorida ay pagboboluntaryo na walang hinihintay na kapalit. Siya ay naglaan ng kanyang oras upang makatulong sa mga batang nangangailangan.
2. Ipinamalas niya ang pagmamalasakit sa kapwa at pagmamahal sa mga kabataan. Ang katangian niyang ito ang nagtulak sa kanya upang mabuo ang Dynamic Team noong siya ay 16 na taong gulang pa lamang. Isa itong grupo na ang layunin ay makatulong sa mga batang lansangan upang sila ay magkaroon ng pagpapahalaga sa kanilang mga sarili.
3. Ipinanganak siya sa isang lugar sa Cavite na malapit sa tapunan ng basura. Mahirap ang naging buhay nila noong siya ay bata pa. Ito ang nagbigay ng motibasyon sa kanya upang tumulong sa kanyang kapwa. Dahil siya ay naging isang guro na rin, ginamit niya ito upang mas makatulong sa mga kabataan kaya naisip niyang ilunsad ang Kariton Klasrum.
#BRAINLYEVERYDAY