Questions


October 2022 1 2 Report
1. Ano ang pangunahing emosyon na tinutukoy kapag ang isang tao ay

madaling maapektuhan ang kanyang emosyon na maaaring magbunga sa

hindi niya pagganap nang maayos sa kanyang mga takdang gawain?

A. Saya

B. galak

C. lungkot

D. pagkakasakit



2. Kinausap mo nang mahinahon ang iyong kapatid dahil sa hindi mo nagustuhan ang panghihiyang ginawa niya sa’yo sa harap ng iyong mga kaibigan. Ano ang magiging mabuting epekto nito sa iyong pagkilos?

A. magagalit ka

B. makikipag-away ka

C. magsisihan kayo sa mga pangyayari

D. magkakaayos at magkakaunawaan kayo

3. Ano ang magiging palatandaan sa gawi ng tao kapag siya ay malungkot?

A. masayang kausap

B. mahilig magkuwento

C. nagagawa nang maayos ang gawain

D. walang ganang kumilos at nais lamang na mapag-isa



4. Alin sa mga sumusunod na emosyon ang mahalagang mapamahalaan nang

mabuti?

A. saya

B. galit

C. pananabik

D. dismayado



5. Pumunta si Anthony kasama ang buong pamilya sa evacuation center para

mamahagi ng bigas at mga de-latang ulam para sa mga biktima ng sunog.

Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong

pagmamahal ang ginawa ni Anthony?

A. Naawa si Anthony ng makita ang mga biktima ng sunog.

B. Ipinagdasal ni Anthony ang kalagayan ng mga biktima ng sunog.

C. Binigyan ng pamilya ni Anthony ng mga pangunahing pangangailangan ang

mga nasunugan.

D. Tumawag ng ibang tao si Anthony upang agarang matulungan ang mga

biktima ng nasunugan.

6. Si Eleonor ay may ginawang proyekto sa asignaturang Matematika

ngunit hindi niya tinapos dahil nawalan siya ng konsentrasyon nang

malamang nagkasakit ang kanyang ina. Alin sa mga sumusunod ang

patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkalungkot ang

ginawa ni Eleonor?

A. Dinalaw niya ang may sakit na ina.

B. Natapos niya ang kanyang proyekto sa tulong ng ina.

C. Naisumite niya ang kanyang proyekto sa kanyang guro.

D. Nawalan siya ng pokus nang malamang may sakit ang kanyang ina.

7. Bakit may mga taong nakagagawa ng masama kapag sobrang galit?

A. dahil nakikinig sa dikta ng ibang tao

B. dahil nagpapadala sa bugso ng damdamin

C. dahil hindi napamahalaan ng tama ang sariling emosyon

D. dahil iniisip ang kapakanan ng sarili, pamilya at ng ibang tao



8. Paano makatutulong ang katatagan o fortitude sa pagharap sa matinding

pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot at galit? Sa pamamagitan nito ay:

A. makakayanan ang lahat ng uri pagsubok

B. malilinang ang kakayahang makilala ang sariling damdamin

C. magkakaroon ng kamalayan sa sariling kalakasan at kahinaan sa pagtugon

nang tama sa anumang pagsubok

D. mapahuhusay ang kakayahang mamuno at maging epektibo ang pakikiisa

sa pagharap sa anumang suliranin



9. Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapuwa ang

pamamahala ng emosyon ng may katatagan at kahinahunan? Sa

pamamagitan nito ay:

A. makikilalang mabuti ng tao ang sarili

B. mapapatingkad ang pagiging madamdamin ng tao

C. malalagpasan ang matinding galit, hinanakit, pighati at takot

D. magiging masaya, maayos at matiwasay ang pamumuhay ng tao

10. Bakit mahalagang magkaroon ng kahinahunan at katatagan ang tao sa

pamamahala ng sariling emosyon? Upang _________________________________.

A. makagawa ng kilos na labag sa paniniwala at prinsipyo ng tao

B. mapagtagumpayang harapin ang anumang negatibong emosyon

C. maging masama sa mata ng ibang tao at mapapaunlad ang relasyon sa

kapuwa

D. maimpluwensiyahan ang pagpapasiya ng tao at makagawa ng agarang

pagtugon sa kilos



Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.