1. Ano ang kahalagahan ng partisipasyon ni Melchora Aquino sa pagsulong ng nasyonalismo?
A. Iningatan ang mga mahahalagang dokumento.
B. Ipinakita ang pagmamahal sa mga Espanyol.
C. Tagapayo siya ng tamang pakikipaglaban gamit ang dahas.
D. Inalagaan niya ang mga sugatang Katipunero sa digmaan.

2. Ano ang naging partisipasyon ni Gabriela Silang sa pagsulong ng kamalayang Pilipino?
A. Unang yumakap sa relihiyong kristiyanismo.
B. Nanguna sa paghikayat sa mga Pilipino na magbayad ng tributo sa mga Espanyol.
C. Humikayat sa mga kababaihan na sumali ang kanilang mga asawa sa polo y servicio.
D. Ipinakita niya ang partisipasyon at katapangan ng mga kababaihan sa pagtatanggol sa
bayan.

3. Ano ang mabuting naidulot ng pag-aalsa ni Diego Silang?
A. Yumaman ang mga Ilokano.
B. Sumapi sila sa mga programa at patakarang Espanyol.
C. Natalo at napa-alis nila ang mga Espanyol sa Ilocos.
D. Nabigo sila sa kanilang pakikipaglaban at naging ganap na silang kakampi ng Espanyol.

4. Ano ang mabuting naidulot ng pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino?
A. Naghirap ang mga Pilipino.
B. Napamahal sila sa mga Espanyol.
C. Nagkawatak-watak ang mga Pilipino.
D. Nagising ang nasyonalismo sa puso ng mga Pilipino.

5. Ano ang napatunayan ng mga Muslim sa pagkabigo ng mga Espanyol sa pagsakop sa mga lupaing Moro sa Mindanao?

A. Paglaban sa misyonero para sa pansariling kapakanan.
B. Pagkilala ng mga Muslim sa kapangyarihan ng Espanya.
C. Pagkakaisa sa pagpapanatili ng kasarinlan at pananampalataya.
D. Paglawak ng kanilang nasasakupan.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.