1. Ano ang kahalagahan ng mga bantas sa dulo ng pangungusap?
2. Ano ang pagkakaiba ng pangungusap na pautos sa pangungusap na pakiusap?
3. Magbigay ng 3 pangungusap na padamdam.
4. Ano ang limang uri ng pangungusap ayon sa gamit?
5. Ano ang pagkakaiba ng pangungusap na pasalaysay sa pangungusap na patanong?
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
1. Ang kahalagahan ng mga bantas sa dulo ng pangungusap ay ang mga bantas ang nagsasabi kung ano bang uri ito at upang maipakita at maipahayag ang emosyon ng isang tao base sa pangungusap.
Halimbawa ng mga bantas:
2. Ang pangungusap na pautos ay nangangahulugang nagsasabi kung ano ang gagawin o iuutos samantalanag ang pangungusap na pakiusap ay nagsasaad ng paghingi ng pabor na ginagamitan ng salitang "paki". Ang mga pangungusap na ito ay maaring nagtatapos sa tuldok o tandang pananong (./?)
3. Tatlong (3) Halimbawa ng Pangungusap na Padamdam
Diyos ko! Ang taas ng baha!
Yehey! Nanalo ako sa patimpalak!
Ouch! Ang sakit nadapa ako!
Ang pangungusap na padamdam ay nagsasaad ng matinding nararamdaman at emosyon katulad ng tuwa, takot, lungkot at pagkagulat. Nagtatapos ito sa tandang panamdam (!)
4. Ang limang pangungusap ayon sa gamit ay:
5. Ang pangungusap na pasalaysay ay pangungusap na nagkukwento o nagsasalaysay, ito ay may kumpletong diwa, may simuno at panag-uri at nagtatapos sa tuldok (.) samantalang ang pangungusap na patanong ay pangungusap na nagtatanong, nagsisiyasat o naghahanap ng sagot at nagtatapos sa tandang pananong (?).
Para sa karagdagan pang Kaalaman i-click ang mga link sa ibaba:
Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap: brainly.ph/question/6843
10 Pangungusap ng Pakiusap o Pautos: brainly.ph/question/546516
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit: brainly.ph/question/2137014
#LetsStudy