Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
Ang pangunahing katangian ng mga tauhan sa epiko na naiiba sa iba pang panitikan ay nagtataglay ito ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay dahil buhat ito sa lipi ng mga diyos o diyosa. Ang tauhan ng mga epiko ay kilala sa kabayanihan, mahilig sa paglalakbay at magaling sa pakikidigma.
Answers & Comments
Verified answer
PA BRAINLIEST PLSS