1. Ang sumusunod ay magandang epekto ng pakikilahok ng mga babaeng
Pilipino sa pakikibaka sa bayan, MALIBAN sa isa. Alin dito?
a. Lumaki ang ulo ng mga babaeng Pilipino
b. Maraming mga taong tumulong sa mga Katipunan
c. Naging mas matapang ang mga iba pang mga Pilipino
d. Nagising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino\
2. Bakit kaya napakaraming pag-aalsa ang naganap noon sa iba’t ibang
rehiyon laban sa mga Espanyol?
a. Mababa ang pagtingin ng mga espanyol sa mga Pilipino.
b. Laganap ang himagsikan noong panahon ng Espanyol dahil sa
maling pamamalakad nito.
c. Nais nilang wakasan ang lumalalang kalagayan ng Pilipinas noon sa
kamay ng mga Espanyol.
d. Lahat nang nabanggit

13

3. Paano ipinakita ng Kilusang Agraryo ang kanilang pagtutol sa mga
orden?
a. Sinalakay nila ang mga hasyenda at pag-aari ng mga relihiyosong
orden.
b. Hindi sila sumunod sa mga opisyal ukol sa mga pagbabawal sa
paggamit ng lupa.
c. Hindi sila nagsimba sa mga parokya ng mga orden na nang-agaw ng
lupa.
d. Nagsulat sila ng mga artikulo ukol sa mga abuso ng mga orden na
nang-agaw ng lupa.
4. Ang pagkamatay ng Gomburza pagkatapos ng paghihimagsik sa Cavite
ay naging inspirasyon para sa sumunod na kilusang pambansa laban
sa mga Espanyol. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Ang mga namuno sa paghihimagsik sa Cavite ay mga Katipunero.
b. Nagdulot ng paglaya ng Pilipinas ang paghihimagsik sa Cavite noong
1872.
c. Ang paghihimagsik sa Cavite ang simula ng rebolusyon laban sa
mga Espanyol.
d. Bagama’t hindi nagtagumpay ang paghihimagsik, ito ay isa sa mga
kaganapang nagdulot ng panimula ng nasyonalismo.
5. Bakit umusbong ang mga rebelyong may kaugnayan sa pulitika at
kabuhayan?
a. Sadyang mahilig lamang ang mga Pilipino na tumutol sa mga
namumuno.
b. Hindi naging patas o makatarungan ang marami sa polisiya ng mga
Espanyol.
c. Hindi pa naiintindihan ng mga Pilipino ang konsepto ng sistema ng
dayuhang pamamahala.
d. Nais na ng mga nagsipaghimagsik na magkaisa ang mga Pilipino at
magdeklara ng kalayaan.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.