Questions


November 2022 2 1 Report
1. Ang pandemyang dala ng COVID19 ang naglagay sa mga Pilipino na maranasan ang iba't ibang mga pagsubok sa buhay. Iba-iba man ang pananampalataya, lahat ay patuloy na nagdarasal. Ito ay pagpapatunay na A. matibay ang pananalig ng bawat Pilipino. B. nawalan ng pag-asa dahil sa pandemya. C. inaasa na lamang lahat sa Diyos. D. may takot dala ng pandemya. 2. Sa panahon ngayon ay maraming mga pagbabagong nagaganap sa ating buhay anuman ang edad, kasarian, relihiyon, at katayuan sa buhay. Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang ating pananalig sa Lumikha. Ano ang ibig ipahiwatig nito? A. Ang mga tao ay magkakaiba sa lahat ng pagkakataon. B. Hindi nawawalan ng pag-asa sa kabila ng mga pagsubok. C. May mga pagkakaiba subalit sa pananalig tayo ay nagkakaisa. D. Lumalapit sa Panginoon ang mga tao kapag may kailangan lamang. 3. Ang paniniwala sa ating bansa ay magkakaiba dahil sa pagtatamasa nating mga Pilipino ng karapatang pumili ng relihiyon. Anong mabuting gawin dito? A. Igalang ang karapatan sa relihiyon. B. Huwag makialam sa paniniwala ng iba. C. Makipag-debate tayo tungkol sa relihiyon. m D. Ipagwalang bahala dahil hindi ka nito maapektuhan. 4. Araw ng Linggo, ang inyong mag-anak ay nagsimba. Dinala ng iyong kapatid ang kanyang cellphone at hindi naka silent mode, bigla itong tumunog na ikinagulat ng lahat. Anong mainam na gawin? A. Sigawan siya upang matauhan. B. Agawin ang cellphone ng iyong kapatid. C. Pagsabihan na patayin at itago ang cellphone. D. Hayaan mo kung ano ang gusto niyang gawin. 5. Si Meerah ay isang Muslim nakita niyang naiwan ng kanyang kamag-aral na Katoliko ang Bibliya nito sa lamesa. Alam niyang ito ang banal na aklat ng mga Katoliko. Anong gagawin mo kung ikaw si Meerah? A. Ipapaalam ko sa aming guro ang naiwang Bibliya. B. Hayaan na lamang itong maiwan sa lamesa. C. Magkukunwari akong hindi ko ito nakita. D. Magsasawalang kibo na lamang ako.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.