Questions


April 2021 1 19 Report
1. Ang pamilyang Pilipino ay tunay na napakahalaga. Anomang pagsubok
pinagtutulungan ito mabigyan ng solusyon. Sa oras ng kagipitan, pighati at kasayahan
tanging pamilya lamang ang nagpapatatag sa bawat miyembro nito. Ano mang
problema ang dumating ay kailangang mapanatiling matibay na sandalan ang bawat
isa upang malagpasan ang unos na pinagdaraanan. Sa panahong ito mas lalong
nasubok ang katatagan ng isang pamilya. Kapit-bisig at sama-samang nakikibaka sa
paglaban sa pandemya. Tunay nga na ang pamilya ang pinakamatatag na bahagi ng
komunidad. Ito ay biyaya na galing sa Diyos na dapat ingatan at lalong pagtibayin ang
pagmamahalan upang higit na madali ang landas na tatahakin ng bawat miyembro
nito.
2. Isa sa mga hinahangaan sa mga Pilipino ay ang malugod at magiliw na pagtanggap
ng bisita. Sa tuwing may darating na panauhin, ang buong pamilya ay tulong-tulong at
abala sa paglilinis, pagluluto at paghahanda para dito. Tanging mga Pilipino lang ang
may bukod tanging kaugalian na namana pa sa ating mga ninuno. Pagmamahal sa
bisita at pagpapakita ng katuwaan ang masarap maranasan lalo na sa mga lalawigan
na ating kinagisnan.
AA 64
3. Ang kawayan ay isa sa mga itinuturing na pinakamataas at pinakamatatag na puno.
Kaya niyang sumabay sa anumang direksyon ng hangin na animo'y sumasayaw
lamang sa saliw ng musika. Malaki ang nagagawang tulong ng punong ito lalo na sa
paggawa ng bahay sa mga lalawigan. Ginagawa din itong palamuti sa bahay, lagayan
ng halaman, baso, at ang labong nito ay niluluto at ginagawang ulam. Tunay nga na
ang kawayan ay isang kapaki-pakinabang na halaman.
4. Napakahalaga ng pagkain ng mga masustansyang pagkain lalo ngayong may
pinagdadaanan tayong pandemya. Ang mga gulay at prutas ay nakakapag-palakas sa
ating katawan at nagpapalakas sa ating risistensya upang labanan ang anumang sakit.
Tuwing buwan ng Hulyo ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Nutrisyon na kung
saan pinapakita dito ang kahalagahan ng pagkain ng gulay lalong lalo na sa mga bata
na katulad mo. Anumang uri ng gulay ay may taglay na bitamina na kailangan ng ating
katawan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.