Questions


October 2022 1 4 Report
1. Ang pamagat ay dapat na _______ lamang at hindi katawa-tawa.
A. mahaba
B. maikli
C. malawak
D. yiyak

2. Ang pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag na may layuning ikuwento ang mga kawil na pangyayari na maaaring_________.
A. Pasalita o pasulat
B. Pagguhit at pagpapahayag
C. Pagbabasa at pakikinig
D. Pagsisiyasat o pananaliksik

3. Kinakailangan na ang paksa ay kapupulutan ng ________ at maging kapakipakinabang sa babasa.
A. aral
B. ganda
C. halaga
D. laman
4. Ang unang pangungusap ng salaysay ay dapat na makalikha ng ________ sa babasa o makikinig.
A. imahinasyon
B. pagpapaliwanag
C. pananabik
D. pag-aalala

5. Kinakailangang ang wakas ay nagkikintal ng isang impresyon sa isip ng babasa upang magkaroon ito ng ________.
A. aral
B. bisa
C. bunga
D. halaga

6. Isa sa mga katangian ng pagsasalaysay ay ang paglalarawan upang magkaroon ng kulay at ________ ang mga pangyayari.
A. buhay
B. kahulugan
C. malay
D. paliwanag

7. Alin sa mga susumusunod ang hindi nagsasalaysay?
A. Alamat
B. Balagtasan
C. Nobela
D. Pabula

8. Ito ay pumapatungkol sa mga karanasang tulad ng pagpunta sa iba’t ibang lugar.
A. Pagsamba
B. Pamamaalam
C. Paglalakbay
D. Pagsunod

9. Ito ay uri ng mga salaysay na mahiwaga at matanda na
. A. Alamat
B. Balita
C. Maikling kuwento
D. Nobela

10. Ito ay kathang pampanitikang may layuning makalibang sa pamamagitan ng paglalahad.
A. Alamat
B. Anekdota
C. Balita
D. Maikling kuwento

11. Isang mahabang likhang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring pinagkabit-kabit sa pamamagitan ng isang mahusay na balangkas.
A. Balita
B. Maikling kuwento
C. Nobela
D. Tula

12. Anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao batay sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
A. Alamat
B. Anekdota
C. Nobela
D. Talambuhay

13. Ang _________ ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring nagaganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao.
A. Alamat
B. Anekdota
C. Balita
D. Maikling kuwento

14. Ang isang talatang nagsasalaysay ay kinakailangang nagbibigay-diin sa _________ pangyayaring isinasalaysay.
A. mabisang
B. mahahalagang
C. makahulugang
D. malalalim

15. Sa paglikha ng isang salaysay, ang ________ ay dapat na maging malikhain.
A. may-akda
B. may-ari
C. nagbabasa
D. tagalikom​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.