Questions


November 2022 1 2 Report

1. Ang pagsasaluntian ng kapaligiran at pagtatanim ng mga halaman o punongkahoy ay nakatutulong upang madagdagan o mapalitan ang mga nabuwal na mga puno't halaman. Ano ang ipinakikita ng tekstong ito?
*
1 point
C. Naipapakita ang pagmamahal sa ating mga magulang.
B. Naipapakita ang pagmamahal sa ating mga kamag-aral sa paaralan.
D. Naipapakita ang pagmamamahal sa kalikasan.
A. Naipapakita ang mapagmahal sa ating mga kamag-aral sa paaralan.

2. Sa kwentong " Tayo na sa Halamanan", ano ang pangangailangan ng mga halaman ayon sa magkaibigan?
*
1 point
D. Init mula sa sikat ng araw, tubig, pataba.
A. Init mula sa sikat ng araw, tubig, pataba at walang damo.
B. Init mula sa sikat ng araw, tubig, pataba at walang damong nakapaligid sa kanila.
C. Init mula sa sikat ng araw at pataba.
3. Bukod sa kagandahan ng ating paligid. Ano pang kabutihang dulot pagkakaroon ng luntiang kapaligiran?
*
1 point
B. Nagbibigay-buhay sa tao
C. bumubuhay sa tao
A. bumubuhay sa iba pang hayop at tao
D. wala sa nabanggit
4. Ang Clean and Green Project ay isang paraan sa pagsasaluntian ng kapaligiran at pagpapanatiling maayos at malinis nito. Ano ang dapat mong gawin sa nasabing programa?
*
1 point
A. Ipagwalang-bahala
B. Makisali at suportahan ito
C. Ipakita ang pakikilahok paminsan minsan
D. Huwag pansinin
5. Dahil sa pagpuputol ng mga tao ng mga halaman at puno sa kagubatan nakakalbo na ang ating kabundukan. Ito ang nagiging dahilan ng pagbaha at landslide. Ano ang maari mong gawin bilang isang mag-aaral upang makatulong sa programang ito?
*
1 point
A. Hihingi ng tulong sa aming Kapitan na magkaroon ng programa sa aming barangay na Oplan Balik Tanim.
B. Hindi na lamang papansinin dahil bata pa ako at wala akong magagawa.
C. Uumpisahan ang pagtatanim sa sariling bakuran.
D. Magsasawalang-kibo na lamang.
6. Walang espasyo sa inyong paaralan upang mapagtamnan ng mga halaman ngunit hangad mong tumulong sa pagkamit ng layunin ng Clean and Green Program. Ano ang maaari mong gawin bilang isang mag-aaral?
*
1 point
A. Mangongolekta ako ng mga plastik na bote at gulong at dito ako magtatanim.
B. Magdadala ako ng binhi sa paaralan.
C. Magpapatulong ako sa aking magulang.
D. Mag-aaral ako ng mga hakbang tungkol sa pagtatanim.
7. Ang pangulo ng samahan ng mga magulang sa inyong lugar ay nagpatawag ng pulong sa mga kabataang tulad ninyo para sa ilulunsad na bagong proyektong "Halamang Gamot Para sa Kalusugan". Papaano mo ibabahagi ang iyong oras sa proyektong ito?
*
1 point
A. Hindi ako interesado dahil wala akong mapapala sa proyektong ito.
B. Hindi ako dadalo.
C. Magdadahilan ako na hindi ako pinayagan ng aking magulang.
D. Dadalo ako sa pulong dahil naniniwala ako na maganda ang maidudulot ng proyektong ito sa aming lugar.
8. Alin sa mga sumusunod ang tama?
*
1 point
A. Ang pagputol sa malalaking puno ay nagpapakita ng proteksyon sa kapaligiran.
B. Ang pangangalaga sa mga bulaklak at iba pang halaman ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa ating Diyos.
C. Ang pagsusunog ng mga tuyong dahon ng mga halaman ay tamang paraan upang tugunan ang problema sa basura.
D. Ang pag-iisprey ng insecticide sa mga gulayan ay tanda ng pagpapanatili ng balanseng kapaligiran.
9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa gamit o kagamitan sa inyong bahay?
*
1 point
A. Tumutulong ako sa paglilinis ng mga muwebles.
B. Itinatago ko sa kabinet ang mga gamit na hindi na nagagamit.
C. Ginagamit ko nang maayos ang mga kagamitan upang di masira.
D. Iniiwan ko sa mesa ang mga gamit sa kusina.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.