Questions


January 2022 1 14 Report
1. Ang pagpapalitan ng mga pahayag sa masayang paraan na kasing kahulugan ng panunudyo
ay ang ______________.
A. pamimintas B. pamumuna C. pagbibiro D. pagtuligsa
2. Ang uri ng birong dapat iwasan ay ang birong ____________.
A. nakakatakot B. nagkakatotoo C. nagpapalalim ng kaisipan D. maaanghang
3. May batas na ngayong nagpaparusa sa pagbibiro at pananakit ng damdamin sa mga taong
may ____________.
A. sakit B. problema C. kapansanan D. katungkulan sa pamahalaan
4. Ang anekdota ay kuwentong naglalarawan sa isang taong _________.
A. nakatapos ng pag-aaral B. kilala C. nasa pamahalaan D. nakapaglakbay
5. Aling bahagi ng kuwento ang kapupulutan ng aral?
A. Ang pagtulong sa taong nangangailangan. B. Ang pagpapanatiling malinis ang ilog.
C. Ang pagtanggap sa kamalian. D. Ang pagiging mapagkumbaba.
6. Ang mga pangyayari sa anekdota ay maikli, kawili-wili at __________.
A. nakalilibang B. nakaiinip C. nakakalakas ng loob D. nakapananabik
7. Ang anekdota ay bahagi ng ____________.
A. alamat B. kuwentong-bayan C. epiko D. talambuhay
8. Tulad ng pabula, ang wakas ng anekdota ay ____________.
A. nag-iiwan ng kakintalan o impresyon B. nagwawagi ang pangunahing tauhan
C. nalulutas ang problema ng pangunahing tauhan D. nag-iiwan ng aral

Sagutin ang sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang letra ng idyomatikong pahayag upang mabuo ang bawat pangungusap.
9. Ako ay __________ kagabi kaya mataas ang markang nakuha ko sa pagsusulit kanina.
A. nagsunog ng kilay B. magdilang anghel C. nangatog ang tuhod D. nag-isang dibdib
10.Palaging sinasabi ni Lola Estela na magandang mamuhay sa probinsiya. __________ niya
mas gusto niyang manirahan doon.
A. Di-maliparang uwak B. Kagubatang lungsod C. Bukambibig D. Magdilang anghel
11.__________ ni Maria. Labis niyang ikinalungkot ang hindi niya pagpasa sa pagsusulit.
A. Makulimlim ang mukha B. Mainit ang ulo C. Maitim ang budhi D. Nagasgas ang mukha
12.Ang mga frontliners ay may __________. Mabuti ang kanilang kalooban at lagi silang
nakahandang tumulong sa lahat ng nangangailangan.
A. may gintong kutsara B. maitim ang budhi C. ginintuang puso D. nagasgas ang bulsa
13.“Sana mawala na ang virus na kumakalat sa ating bayan.” __________ ka sana sa iyong
sinabi.
A. Matalas ang dila B. Magsunog ng kilay C. Mainit ang ulo D. Magdilang anghel
14.__________ ni nanay dahil ang binayaran niya sa ospital.
A. Nagsunog ng kilay B. Nangatog ang tuhod C. Magdilang anghel D. Nagasgas ang bulsa
15. _________ ang bukid ng aking lolo. Maraming siyang naitanim dahil malawak ito.
A. Di-maliparang uwak B. Kagubatang lungsod C. Ginintuang kutsara D. Ginintuang puso

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.