Questions


August 2022 1 3 Report
1. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pagpapasiya maliban sa:
A. Nagiging mahirap ang pag-abot sa mga layunin.
B. Nabibigyan ng sapat na aksiyon ang isang suliranin.
C. Naiiwasan ang iba pang kaakibat o kaugnay na suliranin.
D. Nagsisilbing gabay upang magkaroon ng malinaw na hakbang.

2. Alin sa mga sumusunod ang haligi ng mabuting pagpapasiya?
A. Isip
B. Damdamin
C. Kutob
D. Pagpapahalaga

3. Anong instrumento ng mabuting pagpapasiya na maaaring kumonsulta sa mga eksperto?
A. Damdamin
B. Isip
C. Pagpapahalaga
D. Panahon

4. Anong salik na nakakaapekto sa pagpapasiya kung saan ang mga kaisipan ay maaaring pagbatayan ng pagpapasiya na gagawin?
A. Hawak na impormasyon
B. Media
C. Mga Paniniwala
D. Pagpapahalaga

5. Ito ay proseso batay sa pagpapahalaga, ginagamit ang isip at damdamin upang tiyakin sa loob ng sapat na panahon ang ating pasya.
A. Mabuting Pagpapasiya
B. Pagpapahalaga
C. Pangarap
D. SMART-A

6. Ano kabutihang maidudulot ng personal na pahayag ng misyon sa buhay?
A. Ito ay makakatulong sa pagbuo ng pagkatao ng ating kapwa.
B. Makakabuti ito sa pagkakaroon ng maayos na pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
C. Ito ay makakatulong sa pagbuo ng pagkatao ng sarili.
D. Magkakaroon ng maayos na koneksiyon sa lipunan.

7. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay?
A. Ang layunin mo sa buhay.
B. Ang nais marating sa buhay ng iyong kapwa.
C. Ang mga taong maaaring sisihin sa mga balakid tungo są katuparan ng misyon sa buhay.
D. Ang opinyon ng ibang tao.

8. Paano nakakatulong ang paggawa ng personal na misyon sa buhay sa pagpapasya ng tao?
A. Ito ay magsisilbing gabay tungo są pasya na makakasama sa sarili.
B. Ito ay magsisilbing gabay tungo sa mabuting pagpapasya.
C. Ito ay magiging balakid upang mabuo ang pagkatao ng sarili.
D. Ito ay magsisilbing inspirasyon para sa ibang tao.

9. Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging motibasyon upang maisakatuparan ang misyon sa buhay?
A. Ang mga balakid na haharapin habang isinasakatuparan ang misyon.
B. Ang mga benepisyo na makukuha at paano ito makakatulong sa iyo at sa ibang tao.
C. Ang mga sasabihin ng tao habang isinasagawa ang misyon sa buhay.
D.Ang mga tao na maaaring humadlang sa pagtupad ng iyong misyon.

10. Alin sa mga sumusunod ang misyon ng isang mag-aral?
A. Maging mabuting instrumento na gumagabay sa kabataan
B. Matupad ang pangarap at mapaunlad ang sarili
C. Makapanggamot sa mga maysakit at kapus-palad
D. Makapaglingkod sa mga inaabusong tao.

11. Alin sa mga sumusunod ang dapat tandaan sa pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay?
A. Dapat nakasentro ang pagtuon sa buhay ng iba.
B. Dapat nakatuon lamang ang sarili sa kung ano lang ang nais mong mangyari sa buhay.
C. Dapat na isipin ang mga kinakailangang gawin upang maperpekto ang mga tunguhin sa buhay.
D. Dapat na kilalanin at suriing mabuti ang sariling katangian, pagpapahalaga at mga layunin sa buhay

12. Ano ang maitutulong ng pagsusulat o pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay sa buhay ng isang tao?
A. Mahahanap ng tao ang kaniyang kaganapan.
B. Mabibigyang halaga ang pagkilala sa kaniyang sarili lamang.
C. Malalaman ang mga kahinaan lalo na ang iba pang aspekto ng sarili.
D. Matutuklasan ang sarili at nagiging malinaw ang pagpapahayag ng mga layunin tungo pagkamit ng mga pangarap.

13. Bakit mahalaga na mayroong personal na pahayag ng misyon sa buhay ang isang tao?
A. Sapagkat ito ang magsisiguro sa isang masaya at mayabong na buhay.
B. Sapagkat dito napatutunayan na ang tao ay bukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos.
C. Sapagkat ito ang magsisilbing gabay upang magkaroon ng tamang direksiyon at matupad ang pangarap.
D. Sapagkat dito masisiguro ng tao ang kanyang kaganapan tungo sa isang buhay na walang hanggan.

14. Ano ang ibig sabihin sa pahayag ni Sean Covey na “ang personal na layunin sa buhay ay maihahalintulad sa isang punong may malalim na ugat’?
A. Ito ay kasing-laki ng puno na maraming ugat.
B. I Ito ay maaring lumaki at magbigay na kabuhayan sa atin sa hinaharap.
C. Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na lumalago.
D. to ay matibay na nakakapit sa tao tulad ng punong maugat.

15. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga paraan na iminungkahi ni Sean Covey tungkol sa pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay?
A. Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump”.
B. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip.
C. Magtungo sa isang lugar kung saan ka maaaring mapag-isa.
D. Kinakailangan ang perpektong pagkakasulat ng layunin sa buhay.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.