1.) Ang kalikasan ay grasyang bigay ng Dlyos
2.) Nararapat ng wakasan ang pagpuputoj ng puno sa kagubatan.
3.) Mahalagang alagaan natin ang mga likas na yaman ng ating bansa.
4.) Ang mga puno ang nagsisilbing tahanan ng mga ibon sa kabundukan.
5.) Ang lahat ay tinatawagang makiisa sa pangangalaga ng kapaligiran.
6.) Ang yamang dagat na ating tinatamasa ay dulot ng wastong pangangalaga sa karagatan. 7.) Maraming produkto ang nagmumula sa ating kagubatan.
8.) Ang pagguho ng lupa ay maiiwasan kung magtatanim sa mga nakalbong kabundukan.
9.) Lumalampas ang mga magtrotroso sa takdang dami ng mga puno na dapat lamang na putulin.
10.) Ang mayamang kagubatan ng Pilipinas ay dinarayo ng mga turista
Ang gagawin po diyan ibigay nyo po yung kahulugan ng mga salita.
halimbawa:grasyang-regalo
1.grasyang
2.wakasan
3.alagaan
4.tahanan
5.makiisa
6.tinatamasa
7.nagmumula
8.pagguho ng lupa
9.takdang dami
10.dinarayo
Answers & Comments
Answer:
1. grasyang- regalo o handog
2. wakasan- tapusin o itigil
3.alagaan- ingatan
4. tahanan- tirahano kanlungan
5. makiisa- sumali o makilahok
6. tinatamasa- tinatamo o dinaranas
7. nagmumula- nanggagaling
8. pagguho ng lupa- landslide?
9. takdang dami- sakto o kota
10. dinarayo- pinupuntahan