1. Ang kakambal ng kalayaan ay

a. pagnanais

b. pananagutan

c. paghahangad



2. Ano ang ibig sabihin ni Esther Esteban (1990) na ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas-Moral?

a. Sumusunod tayo sa batas para maging malaya

b. Nakatakda ang kalayaan sa Batas-Moral

c. Ang kalayaan ay nasa Batas-Moral



3. Nakasalalay ang kalayaan ng tao sa kanyang

a. puso

b. isip

c. kilos-loob



4. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?

a. Hindi makatulog nang maayos si Ronald kung hindi siya makainom ng alak

b. Sa sobrang takot ni Dulce sa ina, hindi niya masasabi ang kanyang mga hinanakit

c. Nag-eensayo si Febe para mahasa ang kanyang talento



5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang lumalabag sa Batas-Moral?

a. pakikihalubilo sa iba

b. pakikipagrelasyon sa may asawa

c. pakikipagkaibigan sa kapwa



6. Paano mo malalaman kung napanagutan mo ang paggamit ng kalayaan?

a. Nagagawa ang gusto at nais mo

b. Natutugunan ang iyong pangangailangan

c. Nakahanda kang harapin ang kahinatnan ng iyong pagpapasiya



7. Ang nagbibigay direksyon ng kalayaan ay

a. ISIP

b. PUSO

c. BATAS-MORAL



8. Alin sa mga salita sa ibaba ang kasalungat ng kalayaan?

a. pagtakas

b. pag-aalpas

c. pagkakulong



9. Nakakulong ka sa pansarili mong interes”. Anong ugali ang ipinakita ng tao sa pahayag na ito?

a. MAHABAGIN

b. MAGILIW

c. MAKASARILI



10. Ano ang mensahe sa tekstong ito?
"Hindi tunay na malaya ang tao kapag wala siyang kakayahang magmamalasakit sa iba at nakakulong lamang siya sa pansariling interes"

a. Tunay na malaya ang tao kung iniisip niya ang pansariling interes

b. Tunay na malaya ang tao kung napilitan siyang gumawa para sa iba

c. Tunay na malaya ang tao kung may kakayahan siyang gumawa ng mabuti para sa sarili at sa kapwa



11. Ang batayan sa pagkilos ng tama at mali ay likas na

a. kakayahan

b. katalinuhan

c. Batas-Moral



12. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng kawalan ng kalayaan?

a. paggamit ng kakayahan at talento

b. pag-aaral ng leksyon

c. paghahanapbuhay sa murang edad



13. Anong sitwasyon sa ibaba ang hindi nagpapakita ng kalayaan?

a. pag-eensayo sa nakahiligang laro

b. pag-aalaga sa nakababatang kapatid

c. pangangamba sa epekto ng CoViD-19



14. “Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti”. Ang pangungusap ay

a. Tama, dahil likas sa tao ang kabutihan

b. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahan ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan

c. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghusga ng tao



15. Ang Kalayaan ng kilos-loob ay bahagi ng ating aspetong

a. pisikal

b. ispiritwal

c. emosyonal

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.