Questions


November 2022 1 0 Report
1.) Ang dalawa at kalahating siglo ng pamumuno ni Augustus Octavian ay tinawag na Pax Romana na nagbigay daan upang maging maunlad ang kalakalan at naging masagana sa pagkain ang Rome. Ano ang ibig sabihin ng Pax Romana?
a.) Kapayapaang Rome
b.) Kadakilaang Rome
c.) Kaunlarang Rome
d.) Kabutihang Rome
2.) Ang Africa ang huling pinasok at huling nahati-hati ng mga kanluraning bansa. Bakit tinawag na “Dark Continent” ang Africa ng mga kanluranin?
a.) dahil itim ang mga tao dito
b.) dahil sa hindi agad ito nagalugad ng mga kanluranin
c.) dahil sa napakainit ng lugar na ito
d.) lahat ng nabanggit
3.)Ang pinakadakilang naiambag ng mga Romano sa kabihasnan ay sa larangan ng pagbabatas. Ano tawag sa koleksyon ng mga batas na naging batayan ng Batas Sibil hanggang sa kalagitnaang panahon?
a.) Institutes
b.) Kodigo ni Justinian
c.) Twelve Tables
d.) Seventeen Articles
4.) Isa sa pamana ng mga Greek sa kabihasnan ay sa larangan ng agham. Sino ang tinuturing na “Ama ng Bilohiya?
a.) Aristotle ​​
b.) Socrates
c.) Plato ​​
d.) Pericles
5.) Upang madagdagan ang lupang tinataniman, gumawa ang isang grupo ng tao sa Mesoamerica ng mga chinampas o“floating garden “. Sino ang tinuturing na gumawa nito?
a.) Maya​​​n
b.) Olmec ​​
c.) taga Teotihuacan ​
d.) Aztec
6.) Ang mga Spartans ay kilala sa pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pagkamkam nito. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang Hindi naglalarawan sa mga Spartans?
a.) Ang mga tao ay may oryentasyong militar.
b.) Sinasanay nila ang mga sundalo na huwag matakot sa kamatayan
c.) Pinamunuan nila ang Peloponnesian League
d.) Pinamunuan nila ang Delian League
7.) Nangunguna ang mga may dugong maharlika sa sinaunang lipunan ng Athens. Pinapahalagahan rin nila ang mga mahihirap.
a.) Tama ang una at ikalawang pahayag.
b.) Tama ang unang pahayag ngunit mali ang ikalawa
c.) Mali lahat ang una at ikalawang pahayag
d.) Mali ang unang pahayag at tama ang ikalawa.
8.) Ang pinuno ng mga Mayan ay namumuno sa pamahalaan at relihiyon. Sino ang katuwang ng mga pinuno sa pamamahala?
a.) mga mangangalakal
b.) mga mandirigma
c.) mga matatanda
d.) mga kaparian











Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.