Questions


November 2022 2 3 Report
1. Ang ______________ ay tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, tradisyon, paniniwala at kaugalian ng isang bayan.

A.Bulong
B.Pabula
C.Alamat
D.Awiting-bayan

2. “Tabi-tabi po apo, baka po kayo mabunggo”, ito ay isang halimbawa ng:

A.Palaisipan
B.Bulong
C.Bugtong
D.Salawikain

3. Ang awiting-bayan na nagsimula bilang mga tula na nilapatan ng himig upang maipahayag ng paawit ay tinatawag ding :

A.Kantahing Bayan
B.Kuwentong Bayan
C.Epiko
D Alamat

4. Ang awit sa pagpapatulog ng sanggol ay tinatawag na Oyayi o Hele. Ano naman ang katawagan sa awit sa pag-ibig?

A.Kundiman
B.kutang-kutang
C.Dalit
D.Sambotani

5. Ang __________ ay isang katawagan sa orasyon o dasal na binabanggit ng ating mga ninuno at ginagamit sa iba’t ibang pagkakataon.

A.Bugtong
B.Bulong
C.Kasabihan
D.Salawikain

6. Ang awiting-bayan na “Si Pilemon, si Pilemon” ay orihinal na nagmula sa lalawigan ng:

A.Cebu
B.Ilocos
C.Maynila
D.Davao

7. Diona o Diyona ang tawag sa awiting-bayan na inaawit sa kasalan. Kailan naman inaawit ang Kumintang?

A.Pagsamba
B.Pandirigma
C.Pamamalengke
D.Pagdadalamhati

8. Ang _______ naman ay ang aral na natutuhan mo mula sa akda.

A.mensahe
B.awiting-bayan
C.kaisipan
D.bulong

9.Ang _______ o konsepto na nais ipararating nang manunulat sa mambabasa.

A.kaisipan
B.aral
C.pahiwatig
D.bulong

10.“Pinoy ikaw ay Pinoy! Ipakita sa mundo kung ano ang kaya mo , ibang-iba ang Pinoy!" Ano ang mensahe ng pahayag?

A.Maraming talento ang mga Pilipino.
B.Kakaiba ang mga Pilipino
C.Ipagsigawan mo na ikaw ay Pinoy.
D.Maraming Pilipino sa buong mundo

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.