1. Alin sa sumusunod ang HINDI saklaw ng karapatang sibil? (Literal) HINDI saklaw ng karapatang sibil ang karapatan ________________.

A. na maipahayag ang saloobin
B. na makapagbiyahe saan man nais
C. na magpatayo ng titirhan saan man
D. sa malayang pagsamba at pananalig
2. Alin sa sumusunod ang sinasabi sa seleksyon? (Literal)

A. Ang karapatan ay ayon sa katayuan natin sa lipunan.
B. Kilala ang ating bayan sa pagpapatupad ng Miranda Rule.
C. Maraming mga karapatan sibil na kinikilala ang ating bayan.
D. Mahusay na naipatutupad ang karapatang sibil sa ating bayan.
3. Paano kaya ipinapakita ng ating bayan ang pagkilala sa karapatang sibil? (Inferential)

A. Hindi ito nilalabag sa ating bansa.
B. Pinag-aaralan ang mga ito ng lahat ng mamamayan.
C. Inililimbag at ipinapaabot sa lahat ang tungkol dito.
D. May mga kautusang nagsisiguro sa pagkilala sa mga ito.
4. Ano ang panlaban natin sa di-makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo? (Literal)

A. Ito ay napapaloob sa Miranda Rule.
B. Litisin at ikukulong ang nagkawala.
C. Makatarungan na paglilitis ang kasunod nito.
D. Tamang panangga rito ang writ of habeaus corpus.
5. Ano ang nasasaad sa writ of habeaus corpus? (Literal)

A. Laban ito para hindi masampahan ng kaso.
B. Ito ay panangga sa di-makatuwirng pagkadakip.
C. Nakalahad dito ang karapatan laban sa paglilitis.
D. Ipinapahayag nito ang karapatan na madama ang kaginhawahan.
6. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon? (Paghinuha)

A. Tunay na inosente ang nasasakdal na may prinsipyo.
B. Kabalikat ng taong nakasuhan ang kanyang prinsipyo.
C. May kabalikat ang taong nakasuhan lalo kung inosente.
D. May proteksyon ang nasasakdal hangga't hindi nasisiguro ang sala.
7. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksiyon? (Critical)

A. Hatid nito ang isang balita.
B. Gusto nito ang isang balita.
C. Nais nitong magbigay ng kaalaman.
D. Hangad nitong magbigay ng pananaw.
8. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang iaabot ang mensahe nito? (Critical)

A. Binanggit ang pinagmulan ng paksa.
B. Nakasaad ang mga suliranin ng paksa.
C. Tinalakay ang sanhi at mga bunga ng paksa.
D. Nagbigay ng mga halimbawa tungkol sa paksa.
9. Saan matatagpuan ang pangunahing ideya ng seleksyon? (Critical) Ito ay makikita sa ________ ng seleksyon.

A. gitna
B. simula
C. katapusan
D. simula at katapusan

10. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksiyon?
(Critical

A. Pagkilala sa Ating Karapatan
B. Mga Halimbawa ng Karapatan
C. Mga Dulot ng Sibil na Karapatan
D. Sibil na Karapatan ng Malayang Bansa

{wrong answer report} Paki answer po yung MAAYOS!
-
ITO PO YUNG STORY:
-
Kinikilala ng bayan ang mga karapatang sibil ng mga mamamayan. Ito ay sumasakop sa kalayaan nating makamit ang kaginhawaan at makipag-ugnayan sa isa’t isa. Kabilang sa karapatang sibil ay karapatan sa pananalita at pamamahayag, kalayaan sa relihiyon, paninirahan at paglalakbay, magkaroon ng ari-arian, maiwasan ang pagka-alipin, at iba pa. May karapatan ang bawat isa, maging anuman ang katayuan nito sa lipunan, laban sa di-makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo. Ang writ of habeas corpus ang kautusang mula sa hukuman na nagsisiguro sa karapatang ito. Dagdag pa rito ang kautusang Miranda (Miranda Rule) na buod ng mga karapatan ng nasasakdal. Itinadhana ang mga ito at ipinagtibay. Kabalikat ng karapatang ito ay ang prinsipyo ng isang nakasuhang mananatiling inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala (innocent until proven guilty) at nang walang pasubali (beyond reasonable doubt). Maipatutupad ito kung isasailalim sa isang mablis, hayagan, at patas na paglilitis. Ang pagdadaos ng mabilis na paglilitis at pagkakaloob ng hustisya ay ayon na rin sa kasabihang “justice delayed is justice denied.” Bilang ng mga Salita: 166 (Pilipinas: Ugat ng Lahing Pilipino 6, Inocencio, et. Al (2006). Wizard Publishing Haws, Inc., Tarlac, Tarlac.)

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.