Questions


March 2021 0 187 Report
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na gawi? a. Paglilinis ng ilong c. Pagsusugal
b. Pagpasok ng maaga d. Maalimpungatan sa gabi
2. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang
halaga mo kung ang iyong pasiya, makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi
kaya ito ng Hakbang sa Paghubog ng Kakayahan sa Pagpapasiya?
a. Magnilay sa mismong aksiyon c. Pag-aralan muli ang pasya
b. Manaliksik ng kaalaman d. Isaalang-alang ang kalooban
3. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa pagpapasiya?
a. Isaalang-alang ang kalooban c. Magnilay sa mismong aksiyon
b. Manaliksik ng kaalaman d. Pag-aralan muli ang pasya
4. Alin sa mga ito ang kilos dahil sa takot?
a. Pagnanakaw ng kotse
b. Ang pag-iingat ng isang doktor sa pag-oopera
c. Ang pagsisinungaling dahil sa tunay na sakit
d. Pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok

3

5. Niyaya si Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na
lamang sa isang computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Alfred bagkus ito
ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling
magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong hakbang sa paghubog ng
kakayahan sa pagpapasya ang ginamit ni Alfred?
a. Magnilay sa mismong aksiyon c. Pag-aralan muli ang pasya
b. Manaliksik ng kaalaman d. Isaalang-alang ang kalooban
6. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
a. Upang magsilbing gabay sa buhay.
b. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
c. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
d. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.
7. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na
iyong gagawin?
a. Magnilay sa mismong aksiyon c. Hingin ang gabay ng Diyos
b. Manaliksik ng kaalaman d. Pag-aralan muli ang pasya
8. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang
kilos dahil sa karahasan?
a. Dahil sa malakas na impluwensya sa kilos
b. Dahil sa kahinaan ng isang tao
c. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip
d. Dahil hind kayang maapektuhan ang kilos loob
9. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng
pasiya?
a. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
b. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting
kilos.
c. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
d. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.
10.Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong
ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang
kautusan? Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si
Amir?
a. Magnilay sa mismong aksiyon c. Pag-aralan muli ang aksiyon
b. Manaliksik ng kaalaman d. Hingin ang gabay ng Diyos sa pagpapasya

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.