Questions


September 2022 1 1 Report
1. Alin sa ibaba ang HINDI nabibilang sa Kaalamang bayan?
A. bugtong
B. dula
C. kawikaan
D. palaisipan

2. Ang Batang batuta! Isang perang muta! Ay isang halimbawa ng akdang
A. awit
B. dula
C. tugmang de-gulong
D.tulang Panudyo

3. Ang mababasang pahayag ay nabibilang sa anong kaalamang bayan? "Ang di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na".
A. bugtong
B. tugmaan
C. palaisipan
D. tugmang de gulong

4. Anong damdamin ang ipinapahayag sa pahayag na ito? "May dumi sa ulo, Ikakasal sa Linggo Inalis, inalis, Ikakasal sa Lunes"?
A. nagbibiro
B. nang-aasar
C. nagagalit
D. nagsesermon

5. Alin sa sumusunod ang katangian ng tugmang-de gulong?
A. Ito ay mga paalala o babala na makikita sa mga pampublikong sasakyan.
B. Kalimitang may himig na malungkot C. Mang-aliw magbigay pangaral sa mga kabataan
D. May layuning manlibak, manukso at mang-uyam

6. Alin sa ibaba ang HINDI kabilang sa bugtong?
A. Barya, barya lamang po sa umaga.
B. Ako ay may kaibigan, kasama ko habang buhay.
C. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
D. Isang pinggan, laganap sa buong bayan.

7. Ano ang karaniwang layunin ng bugtong?
A. Layunin ng bugtong ang mang-uyam, manukso at manlibak.
B. Layunin na linangin ang kaisipan at katalinuhan para sa kalutasan ng tanong.
C. Layunin na magbigay-aliw at libangin ang mga nalulungkot.
D. Layunin na mangaral sa mga mambabasa.

8. Anong meron sa aso na meron din sa pusa,na wala sa ibon, ngunit meron sa manok na dalawa sa buwaya at kabayo na tatlo sa palaka? Ano ang sagot sa palaisipang ito?
A. Letra A
B. Letrang O
C. Letrang U
D. Letrang S

9. "Nagtago si Pilo, nakalitaw ang ulo". Ano ang tamang sagot sa bugtong na ito?
A. isda
B. kalabasa
C. kuto.
D. pako

10. Bilang isang mag-aaral paano mo pahahalagahan ang mga kaalamang-bayan na minana sa ating mga ninuno?
A. Aalamin ngunit mananatiling sa baul lang itatago ang kaalaman.
B. Babasahin ngunit hanggang doon na lamang.
C. Pagtatawanan at ito ay babalewalahin. D. Payayabungin at pag-aaralan kung paano ito isasabuhay at ibabahagi sa iba. ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.